Lahat ng sinabi dito nakakatuwa at totoo, tiyak makakarelate ka.
Akala ng mga tao na nasa Pilipinas kapag nasa Dubai ka ay madami ka ng pera ng langis. Ang totoo, madami
kang utang dahil credit card lahat ang gamit mo sa pagbili mo ng mga gamit mo. Kailangan mo gumamit ng credit card kasi naubos na ang cash na pinadala sa Pinas,
kasi pag hindi ka nagpadala, iisipin nila nakalimutan mo na sila.
Akala nila mayaman ka at marami kang pera kasi buwan-buwan libo-libo padala mo walang palya at kapag pumalya iisipin nila baka nagbisyo ka na o may sinusustentuhang iba. Hindi nila alam food allowance na lang ang natitira sa'yo at pag kinulang pa umuutang pa at lista muna sa malapit na bakala.
Pag may okasyon sa Pinas (birthday, fiesta, anniversary, pasko, new year, at iba pa) padala ka agad panghanda. Sarap ng kainan nila, di nila alam ikaw tiyaga sa budget meal, kabsa, noodles o de lata at itlog na nakakabutlig na ng balat. Hay naku! Akala ni tatay, nanay, ate, kuya, anak, mga pamangkin at iba pa namumulot ka ng pera sa Dubai. Kada may problema text kaagad, kumusta sa una sa bandang huli kailangan lang ng pera! Hay naku…nakaka-alergic na ang text sa roaming - puro gastos…minsan padala ka pa ng load! Load mo nga utang sa Pana (Indiano)! Hay naku! Bakit ba nauso pa yan, dagdag gastos lang talaga at pag di ka pa nagreply aawayin ka pa!
Akala nila masarap maging OFW at tinatawag na bagong bayani….naku, mas masarap pa yung nasa Pinas na sa katas ni bagong bayani ay s'yang umaani! Utang sa Dubai lalong dumarami.
Akala nila masarap sa Dubai, 'di nila alam 'di ka na nga makauwi kasi roundtrip tiket kina-cash pa mapadala lang at ibayad sa utang. Akala nila sosyal ka kasi de-kulay ng buhok mo uso pa at naka-highlight pa, di nila alam buhok mo namumuti na sa stress at problema at pag minalas nalalagas pa!
Akala nila masarap sa Dubai kasi pag-uwi mo mestiso ka, maputi at mamula-mula ang balat mo. Hindi nila alam babad ka sa opisina at kulong sa bahay mo dahil no choice ka, mga kapit bahay mo di mo kaano-ano, walang paki-alamanan at kung lalabas ka sunog ang balat mo, init ng araw sobra!
Akala nila mayaman ka na kasi may kotse ka na. Di nila alam hulugan pa ito! Ang totoo, kapag hindi ka bumili ng kotse sa Dubai
maglalakad ka ng milya-milya sa ilalim ng init ng araw. O kaya naman tiyaga kang mag –abang ng bus o carlift na ubod ng babaho ng mga pasahero at pagbaba mo amoy putok ka na rin. Grabe! Walang jeepney, tricycle o padyak sa Dubai ... madami mga Patan(Pakistani) at Pana na driver na ubod ng baho. 'Pag minalas ka, arabo na taxi driver na, rapist pa!
Akala nila masarap ang buhay dito sa Dubai. Ang totoo, puro ka trabaho kasi 'pag di ka nagtrabaho, terminated ka na gagawan ka pa ng kwento ng kapwa mo Pilipino.
Hindi ka pwedeng tumambay sa kapitbahay kasi baka maMotawa ka 'pag kasama mo ang syota mo. Pero madami pa ding matatalinong matsing ang nakakalusot. Nagpapagawa ng fake na papel para kunwari kasal. Isang malaking HAAAYYYY!!!
Akala nila malaki na ang kinikita mo kasi Dirham na sweldo mo. Ang totoo, medyo malaki 'pag pinalit mo ng peso, pero
Dirham din ang gastos mo sa Dubai. Ibig sabihin ang Dirham mong kinita sa presyong Dirham mo din gagastusin.
Ang P15.00 na sardinas sa Pilipinas ay DHS3.00 sa Dubai. Ang isang pakete ng sigarilyo sa Pilipinas P40.00, sa
Dubai DHS6.50. Alangan din namang puro cafeteria food ang kakainin mo, aba mamamatay ka sa highblood o hepa nyan kasi nga umaapaw na sa mantika, madumi pa! Kaya lang pag naubusan ka ng pera no choice you have to take the risk.
Akala nila buhay milyonaryo ka na kase ang ganda ng bahay at kotse mo, nag pa-lypo kay Calayan at nagparetoke kay Vicky Belo. Ang totoo nag-loan ka lang sa Mashreq, Firstgulf o Emirates bank na huhulugan mo ng limang taon. Ibig sabihin, alipin ka ng bahay mo, kotse mo at ng luho mo at ng bansang ito. Kasi nga magloan ba naman dahil sa luho. Bwahahaha!
Madaming naghahangad na makarating sa Dubai dahil mahirap maging normal na manggagawa sa Pilipinas. Madalas pagod ka sa trabaho. 'Pag dating ng sweldo mo kulang pa sa pagkain mo.
Hindi ibig sabihin Dirhams na ang
sweldo mo ay yayaman ka na. Kailangan mo ding magbanat ng buto para mabuhay ka sa ibang bansa.
Isang malaking sakripisyo ang pag-alis mo sa bansang sinilangan at malungkot iwanan ang
mga mahal mo sa buhay. Hindi pinupulot
ang pera dito o pinipitas o iniigib. Hindi ako
naninira ng pangarap, gusto ko lang
buksan ang bintana ng katotohanan. Mahirap mangibang bayan...manilbihan sa dayuhan at malayo sa pamilya.
Hangga’t may OFW at nangingibang bayan ito'y simbolo ng ating kahirapan. Kawawang bayan ni Juan, patuloy na mapag-iiwanan.
Kaya Juan, iwan ka ng pera para sa'yo para sa kinabukasan mo.
No comments:
Post a Comment